Muli, maraming, maraming salamat po sa lahat ng Member Consumer Owners (MCOs) ng ating kooperatiba na nakasaglit sa ating “MCO Community Pantry” na ginanap sa CANORECO Daet Area Office noong umaga ng October 29, 2021.
Ganun din po sa ating mga MCO na napamahaginan sa ilang Coastal barangay ng Mercedes para naman sa ating “MCO Community Pantry on Wheels” kinahapunan noong araw ding iyon.
Ang aktibidad pong ito ay bahagi pa rin ng selebrasyon nitong nakalipas na buwan ng Oktubre na “National Cooperative Month” na may temang “Kooperatibang Matatag: Tumutugon sa mga Hamon, Daan sa Pagbangon, Nagbibigay Pag-asa sa Makabagong Panahon.”
Nawa’y nakatulong po sa ating mga MCO ang mga prutas, gulay, pang-sahog, de lata, itlog, pansit at bigas na ipinamahagi ng pamunuan at ng ating mga kasamahan sa kooperatiba.
Lahat po ng ito #ParaSaMemberConsumerOwners, #ParaSaOneECMCOMovement.
#2021NationalCooperativeMonth
#MCOPantry
#CommunityPantry
#1ECMCOMovement






