Kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang mga Municipal Social Welfare and Development Offices (MSWDO), naisagawa ng CANORECO ang Payout sa mga beneficiaries nito ng Pantawid Liwanag (PL) 3 noong March 15, 2022 at ng Pantawid Liwanag (PL) 4 noong March 16, 2022.
Ang Pantawid Liwanag ay isang programa ng Philippine Rural Elect6ric Cooperatives Association (PHILRECA) na subsidiya sa kuryente kung saan ang target ay ang mga mahihirap na Pilipinong konsumidor ng kuryente sa kanayunan na ang pangunahing pinagmumulan ng kita at kabuhayan ay lubhang naantala ng krisis sa CoronaVirus.
Ginanap ang Payout ng PL3 sa Basud Old Sports Complex para sa mga beneficiary mula sa mga bayan ng Basud, Capalonga at San Lorenzo Ruiz. Samantala, ginanap naman ang Payout ng PL4 sa Daet Municipal Covered Court para sa mga beneficiary mula sa mga bayan ng Daet, San Vicente, Sta. Elena, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Talisay.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina CANORECO Director Engr. Edwin Lamadrid ng Paracale, Director Bartolome Armin Nieva ng Talisay-San Vicente at Caretaker ng Basud, at Director Engr. Fernando Cruz ng San Lorenzo Ruiz-Daet South at Caretaker ng Daet North.




