CANORECO Balita

APLIKASYON SA SENIOR CITIZEN DISCOUNT, KAILANGANG I RENEW TAUN-TAON

Maaari nang i-renew ang aplikasyon para sa senior citizen discount simulang Enero 2, 2019 para patuloy na makatanggap ng diskwento sa bayarin sa kuryente ang mga senior citizen. Para sa mga magre-renew, kinakailangan ang “personal appearance” sa CANORECO main office sa Daet o sa  Area 2 Office na matatagpuan sa Brgy. San Francisco sa bayan ng Labo at Area 3 Office na matatagpuan sa Purok 2 Batobalani sa bayan ng Paracale. Dalhin lamang ang senior citizen I.D. o kahit anumang valid I.D at resibo sa kuryente.

Samantala, sa mga nagnanais pa ring mag aplay ng discount kinakailangang nakapangalan ang resibo sa kuryente sa mag aaplay na senior nang hindi bababa  sa isang taon. Kinakailangan din na residente ang senior citizen sa lugar na kanyang ina aplay.   Ang CANORECO at iba pang power distributor ay nagbibigay ng 5% na discount sa mga nagkokonsumo ng one hundred (100) kwh pababa. Maaaring kumuha ng application form sa Daet Main Office at sa mga Area offices at magsumite ng barangay certification ng residency, isang 2×2 na picture, senior citizen i.d o anumang valid i.d na nakalagay ang birthdate at picture at latest power bill na binayaran.

Para sa kaugnay na impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa Daet  main office o tumawag sa teleponong 571-3717 at cellphone nos. 09212116180 at 09560525608.