COOP Activities

ATM | First-Aid Training

Sumasailalim ngayong araw, 29 November 2025, ang ilang kawani ng Camarines Norte Electric Cooperative, Inc. (CANORECO) sa First Aid Training sa pangunguna ng Philippine Red Cross, Daet Chapter.

Bahagi ito sa hakbangin ng Kooperatiba na palawakin ang kaalaman ng mga empleyado natin, hindi lamang sa aspetong kuryente, kundi pati na rin sa pagresponde sa mga sakuna o kalamidad.