CANORECO Balita

CANORECO 45th Anniversary Raffle Promo

Magkakaroon muli ng paripa ang CANORECO ngayon namang darating na May 2021 para sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) nito.

Layon ng aktibidad na ito na (1) mapalakas ang koleksyon ng Coop, (2) maisali at mabigyang-diin ang papel ng mga MCO sa pagkamit ng mga layunin ng Coop, (3) maitanim ang kamalayan ng pagbabayad sa mga MCO, at (4) makapagbigay ng mga insentibo sa mga responsableng MCO na nagbabayad ng kanilang mga bayarin sa kuryente sa tamang oras.

MECHANICS

1. Magkakaroon ng Raffle Draw sa May 31, 2021 (Lunes) para sa lahat ng MCOs na walang Arrears sa kuryente.

2. Bibigyan ng isang (1) Raffle Stub kada isang (1) Account ang mga consumer na walang Arrears na kanilang ihuhulog sa mga itatalagang Drop Boxes sa CANORECO Main Office, Area Offices, Service Centers at Accredited Bayad Centers.

3. Susulatan ng mga consumer ng kanilang complete name, address, contact number at account number, at pipirmahan ang Raffle Stub. Kung hindi nakapangalan sa consumer ang bill sa kuryente kagaya ng sa mga apartment at mga inuupahang bahay, susulatan pa rin nila ng kanilang complete name, address, contact number at account number, at pipirmahan ang Raffle Stub.

4. Sa May 27, 2021 (Huwebes) ang deadline ng paghulog ng mga Raffle Stub para sa February, March at April Electric Bills.

5. Gaganapin ang Raffle Draw sa oras na 1:30 ng hapon sa Ground Floor ng CANORECO Main Office sa J.P. Rizal St., Brgy. 1, Daet, Camarines Norte na sasaksihan ng Raffle Committee Chairman, Internal Audit Officer-In-Charge, General Manager at Board President/Directors ng kooperatiba, at MCO Federation Chairman.

6. Gagawin ang Raffle Draw sa pamamagitan ng pagbunot sa tambiolo.

7. Limang (5) consumer bawat distrito ang mananalo ng Php1,000.00 Grocery Package. Limang (5) consumer bawat distrito ang mananalo ng Php200.00 Power Bill Deduction. Tatlong (3) consumer ang mananalo ng Cellphone. At isang (1) consumer ang mananalo ng Grand Prize na Php45,000.00 Cash.

8. Dapat na walang Arrears sa CANORECO ang kwalipikadong mananalo sa oras ng Raffle Draw dahil kung hindi ay muling bubunot ng mananalo.

9. Sa mga consumer na may dalawa o higit pang kuntador, kung ang consumer ay manalo nang higit sa isang (1) beses, ang mas mahal na premyo ang kanyang mapapanalunan. Muli namang bubunot ng mananalo para sa mas murang premyo.

10. Hindi maaaring ilipat sa iba o palitan ng cash ang mga premyo.

11. Iaanunsyo sa Radio, ipapaskil sa mga Bulletin Board, at ilalathala sa Facebook Account at Website ng CANORECO ang pangalan ng mga mananalo.

12. Bilang patunay ng kanilang pagkakakilanlan, kinakailangang magdala ng isang (1) valid ID ang mga mananalo, gaya ng CANORECO Membership ID, SSS ID, GSIS ID, Employment ID, Driver’s License o Passport.

13. Kung nakapangalan sa iba ang Electric Bill, gaya ng sa mga apartment at inuupahang bahay, kinakailangang magdala ng mga sumusunod ang nanalong consumer:
a. isang (1) valid ID ng nanalong consumer;
b. mga resibo ng mga binayarang kuryente kamakailan (Teller’s Official Receipt o machine-validated receipts);
c. pirmadong certification mula sa nakarehistrong MCO o sa nakakasakop na Barangay Captain na nagsasabing ang nanalong consumer ang tunay na nakatira, konsumidor ng kuryente at nagbabayad sa kooperatiba; at
d. isang (1) valid ID ng nakarehistrong MCO o ng Barangay Captain.

14. Kung hindi makakapunta at makukuha ng nanalo ang kanyang napanalunan, maaari siyang magpadala ng Representative na dala ang mga sumusunod:
a. pirmadong authorization ng nanalong consumer na naghihirang sa Representative bilang tatanggap ng kanyang napanalunan;
b. isang (1) valid ID na may picture at signature ng nanalong consumer; at
c. isang (1) valid ID na may picture at signature ng Representative.

15. Ipagkakaloob lamang ang mga napanalunan matapos ang validation process na magkikilala sa consumer bilang lehitimong nanalo.

16. Sa loob lamang ng animnapung (60) araw mula pag-anunsyo maaaring matubos ang mga napanalunan sa CANORECO Main Office, J.P. Rizal St., Brgy. 1, Daet, Camarines Norte.

17. Mapupunta sa CANORECO ang mga hindi natubos matapos ang animnapung (60) araw mula pag-anunsyo.

18. Hindi maaaring sumali sa Raffle Promo ang mga opisyal at mga empleyado ng CANORECO, pati ang kanilang mga kamag-anak hanggang sa second degree of consanguinity (anak, magulang, kapatid, lolo at lola, at apo) at second degree of affinity (asawa, biyenan at manugang).

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707, at landline no. 054-5713796.