COOP Activities

CANORECO 47th Anniversary Raffle Promo Winners Update #1

Para po sa ating mga MCOs na nanalo sa ating raffle, simula sa ika-9 ng Nobyembre (Miyerkules) ay maaari niyo pong makuha ang inyong napanalunan.
Magdala lamang po ng government-issued valid IDs. Sa mga nanalo na nangungupahan ay magdala rin po ng Certification mula sa may-ari at Barangay certification na kayo ang nakatira at nagbabayad ng kuryente.
Paalala po sa mga nanalo ng consolation at minor prizes, maaari niyo po itong makuha sa ating mga Area Offices at Service Centers. Para sa nanalo ng ating major prize ay dito naman po sa Main Office sa Talisay makukuha. Congratulations po muli sa ating MCOs na mga nanalo. Salamat po.