CANORECO Advisories

CANORECO 48th Founding Anniversary

48 years na tayong magkakasama mga ka-MCO!
October 23, 1975 ng mai-rehistro ang CANORECO sa National Electrification Adminsitration (N.E.A.) alinsunod sa kagustuhan ng pamahalaan na maabot at mapailawan ang bawat lugar ng ating bansa.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang CANORECO sa pagtupad sa mandato na ito na magbigay-serbisyo kahit pa sa pinakamalalayong pook ng ating lalawigan. Walang hindi aabutin, walang susukuan. Laging gagawaan ng paraan para mapailawan ang bawat tahanan.
CANORECO, mula noon, hanggang ngayon, at sa hinaharap, maghahatid-serbisyo sa inyo mga ka-Member-Consumer-Owners!
Happy 48th Founding Anniversary!
Ito ay Atin, Pangalagaan Natin!