Uncategorized

CANORECO 47th Founding Anniversary Raffle Promo MECHANICS

1. Magkakaroon ng Raffle Promo para sa lahat ng MCOs na walang Arrears at Updated ang bayad sa kuryente hanggang September 2022 Electric Bill.
2. Bibigyan ng isang (1) Raffle Coupon kada isang (1) Updated Account ang mga consumer na walang Arrears na kanilang ihuhulog sa mga nakatalagang Drop Boxes sa CANORECO Main Office, Area Offices, Service Centers at Accredited Bayad Centers.
3. Sa mga consumer na nagbabayad online sa pamamagitan ng GCash, PayMaya o 7-Eleven, maaaring kumuha ng Raffle Coupon sa pinakamalapit na CANORECO Office o Accredited Bayad Center. Ipakita lamang ang confirmation ng binayarang September 2022 Electric Bill mula sa GCash, PayMaya o 7-Eleven.
4. Susulatan ng mga consumer ng kanilang complete name, address, contact number at account number, at pipirmahan ang Raffle Coupon. Kung hindi nakapangalan sa consumer ang bill sa kuryente kagaya ng sa mga apartment at mga inuupahang bahay, susulatan pa rin nila ng kanilang complete name, address, contact number at account number, at pipirmahan ang Raffle Coupon.
5. Sa October 24, 2022 (Lunes) ang deadline ng paghulog ng mga Raffle Coupon.
6. Gaganapin ang Raffle Draw sa November 4, 2022 (Biyernes) sa oras na 1:00 ng hapon sa CANORECO Talisay Main Office sa Hotel Mega Star Bldg., National Diversion Road Junction, Brgy. Itomang, Talisay na sasaksihan ng Financial Services Department, Internal Audit Department at Institutional Services Department.
7. Gagawin ang Raffle Draw sa pamamagitan ng pagbunot sa tambiolo.
8. Dapat na walang Arrears sa CANORECO ang kwalipikadong mananalo sa oras ng Raffle Draw dahil kung hindi ay muling bubunot ng mananalo. Magtatalaga ng Verification Committee para beripikahin ang mga mabubunot na Accounts.
9. Sa mga consumer na may dalawa o higit pang kuntador, kung ang consumer ay manalo nang higit sa isang (1) beses, ang mas mahal na premyo ang kanyang mapapanalunan. Muli namang bubunot ng mananalo para sa mas murang premyo.
10. Ang mga mapapanalunang papremyo ay ang mga sumusunod:
Major Prize:
1 unit Laptop Computer
Minor Prizes:
1 unit Cellphone bawat bayan/distrito kasama ang Daet North at Daet South
SM Gift Card worth P2,000 bawat bayan/distrito kasama ang Daet North at Daet South
Consolation Prizes:
1 unit Electric Fan bawat bayan/distrito kasama ang Daet North at Daet South
2 Grocery packs worth P1,000 bawat bayan/distrito kasama ang Daet North at Daet South
11. Hindi maaaring ilipat sa iba o palitan ng cash ang mga premyo.
12. Iaanunsyo sa Radio, ipapaskil sa mga Bulletin Board, at ilalathala sa Facebook Account at Website ng CANORECO ang pangalan ng mga mananalo.
13. Bilang patunay ng kanilang pagkakakilanlan, kinakailangang magdala ng anumang Government-issued valid ID ang mga mananalo.
14. Kung nakapangalan sa iba ang Electric Bill, gaya ng sa mga apartment at inuupahang bahay, kinakailangang magdala ng mga sumusunod ang nanalong consumer:
a. isang (1) valid ID ng nanalong consumer;
b. mga resibo ng mga binayarang kuryente kamakailan (Teller’s Official Receipt o machine-validated receipts);
c. pirmadong certification mula sa nakarehistrong MCO o sa nakakasakop na Barangay Captain na nagsasabing ang nanalong consumer ang tunay na nakatira, konsumidor ng kuryente at nagbabayad sa kooperatiba; at
d. isang (1) valid ID ng nakarehistrong MCO o ng Barangay Captain.
15. Kung hindi makakapunta at makukuha ng nanalo ang kanyang napanalunan, maaari siyang magpadala ng Representative na dala ang mga sumusunod:
a. pirmadong authorization ng nanalong consumer na naghihirang sa Representative bilang tatanggap ng kanyang napanalunan;
b. isang (1) valid ID na may picture at signature ng nanalong consumer; at
c. isang (1) valid ID na may picture at signature ng Representative.
16. Ipagkakaloob lamang ang mga napanalunan matapos ang validation process na magkikilala sa consumer bilang lehitimong nanalo.
17. Hanggang December 29, 2022 (Huwebes) lamang maaring makuha ang napanalunang Major Prize sa CANORECO Talisay Main Office at ang Minor Prizes at Consolation Prizes sa CANORECO Area Offices at Service Centers.
18. Mapupunta sa CANORECO ang mga hindi makukuhang papremyo.
19. Hindi maaaring sumali sa Raffle Promo ang mga opisyal at empleyado ng CANORECO, at ang kanilang mga asawa.