Paliwanag at Paumanhin sa Pagkawala ng Kuryente sa Ilang Barangay ng Daet at Mercedes, 12 Hulyo 2025 (Sabado).
Ipinaaabot po ng CANORECO ang paumanhin sa mga naging pansamantalang pagkawala ng kuryente kahapon sa ilang barangay ng Daet North at mga barangay ng Poblacion, Mercedes.
Ang insidenteng ito ay dulot ng sabayang pagsasagawa ng Preventive Maintenance Service (PMS) sa Lag-on Substation at re-adjustment ng setting sa Recloser na matatagpuan sa Ecology Village, Brgy. Gubat, Daet. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalidad at pagiging maaasahan ng serbisyo ng kuryente sa mga naapektuhang lugar.
Muli po, kami ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na naidulot nito at nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at suporta.

