CANORECO Advisories

CANORECO Advisory

Pagpapaumanhin at Pagpapaliwanag Tungkol sa Serbisyo ng Kuryente nitong Sabado at Linggo, 12-13 July 2025

Ang CANORECO ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga Member-Consumer-Owners (MCOs) na naapektuhan ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente nitong Sabado at Linggo, Hulyo 12-13, 2025.

Ang nasabing power service interruption ay bunsod ng taunang Preventive Maintenance Service (PMS) sa anim (6) na substations ng ating Kooperatiba. Ang gawaing ito ay mahalaga upang mapanatiling ligtas, maayos, at episyente ang ating power distribution system, at maiwasan ang mas malalaking aberya sa hinaharap.

Kasabay nito, isinagawa rin ang mga kaugnay na teknikal na aktibidad tulad ng pag-recalibrate ng settings, system reconfiguration, at inspeksyon sa linya at pasilidad. Ang lahat ng ito ay bahagi ng masusing paghahanda upang mas mapagbuti ang serbisyo para sa MCOs.

Batid ng Kooperatiba ang samu’t saring emosyon at reaksyon ng mga MCO ukol sa aktibidad na ito. Ramdam ng Kooperatiba ang bawat mura, ngitngit, at inis ng bawat MCO. Hindi ito binabalewala ng ating Kooperatiba. Ngunit ang aktibidad na ito, at bawat aktibidad na isinasagawa, ay para sa pangmatagalang benepisyo sa ating komunidad.

Kasabay ng mga gawaing ito, mahigpit na sinusunod ng Line Workers ang mga safety protocols upang matiyak na walang masamang insidenteng mangyayari habang isinasagawa ang mga aktibidad. Ang kanilang kaligtasan at ang seguridad ng ating pasilidad ay pangunahing prayoridad.

Muli, ang CANORECO ay taimtim na humihingi ng paumanhin at kasabay nito ang patuloy na pagpapasalamat sa inyong pag-unawa at suporta sa kabila ng mga kaganapang ito.

Salamat po at mabuhay ang ating mga MCO!