CANORECO Advisories

CANORECO Advisory

Paliwanag sa Naganap na Power Service Interruption Ngayong Araw ng Martes (15 July 2025) mula 12:20PM hanggang 1:12PM.

Nais pong ipabatid ng Kooperatiba ang naranasang power service interruption ngayong araw ng Martes, 15 July 2025, mula 12:20 ng tanghali hanggang 1:12 ng hapon, sa mga bayan ng MERCEDES, BASUD, SAN LORENZO RUIZ, at ilang barangay sa bayan ng DAET kasama ang SM City Daet.

Narito ang mga detalye ng insidente:
> 12:20PM – Nakatanggap ang Kooperatiba ng ulat mula sa iba’t ibang lugar ukol sa pagkawala ng serbisyo ng kuryente. Kasabay nito, iniulat ng Substation Tender ng Lag-on Substation na may linya sa loob ng substation na naputol.
> Agad na tumugon ang Technical Team ng Kooperatiba upang siyasatin ang mga ulat na natanggap.
> Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan na ang Terminal Lug ng Power Take-off ng Lag-on Substation ay naputol.
> 12:55 PM – Sinimulang palitan ang naputol na Terminal Lug.
> 1:12PM – Matagumpay na natapos ang pagpapalit ng Terminal Lug at naibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar.

Ang Kooperatiba ay humihingi ng paumanhin sa abalang dulot ng pangyayaring ito. Patuloy ang pagsisikap ng Kooperatiba na mapanatili ang ligtas, maayos, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente para sa mga Member-Consumer-Owner.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.