Emergency Power Service Interruptions

CANORECO Advisory:

Ang nararanasang biglaang pagkawala ng kuryente ngayong June 22, 2024 mula 3:25 ng hapon sa bahagi ng Brgy. Luklukan Sur sa JOSE PANGANIBAN at sa bahagi ng Brgy. Gumaus sa PARACALE ay dahil sa nasirang poste sa Ultra Compound, Brgy. Gumaus, Paracale dulot ng pagtumba rito ng isang pinuputol na puno ng niyog.
Sa kasalukuyan ay pinapalitan na ang nasirang poste upang maibalik ang serbisyo ng kuryente.