Emergency Power Service Interruptions

CANORECO Advisory:

Ang nararanasang biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente ngayong August 22, 2024 mula 9:38AM ay dahil sa naputol na linya ng TRANSCO/NGCP 69kV Lines sa ST#003, Brgy. Talobatib, Labo.
APEKTADONG LUGAR :
– Mga bayan ng MERCEDES, BASUD, SAN LORENZO RUIZ, DAET, SAN VICENTE, TALISAY, VINZONS, CAPALONGA at STA. ELENA;
– Bayan ng LABO maliban sa Brgys. Mahawan-hawan, Talobatib, Masalong at Kalamunding, at bahagi ng Dalas, Calabasa, Pangpang, Maot, Pag-asa, Malangcao-basud, Daguit, Macogon at Exciban;
– Brgys. Awitan, Bakal, Dancalan, Labnig, Mampungo, Mangkasay, at Tabas sa bayan ng PARACALE;
– Brgy. San Martin sa bayan ng JOSE PANGANIBAN; at
– Purity Ice Plant Corp, La Suerte Coco Oil Milling Corp, SM City, Central Plaza Complex, SM Hypermarket at PLDT.
Kasalukuyan ng isinasaayos ng ating technical team ang nasabing problema upang agarang maibalik ang serbisyo ng kuryente.