Ang nararanasang biglaang pagkawala ng kuryente ngayong May 22, 2025 (Huwebes) simula 6:39 ng umaga ay dahil sa nasabitan na poste ng telecom kung saan nadamay ang linya ng CANORECO sa may bahagi ng P5 Sitio Kabungahan, Brgy. Kabatuhan Labo.
APEKTADONG LUGAR:
– Brgys. Bayabas, Guisican, at bahagi ng Brgy. Kabatuhan sa bayan ng LABO;
– Brgys. Villa Aurora, Villa Belen at San Antonio sa CAPALONGA;
– Bayan ng SANTA ELENA.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng pagsasaayos ng linya at sa nakahambalang na poste ng telecom sa kalsada upang agarang maibalik ang serbisyo ng kuryente.

