CANORECO Advisories

CANORECO Advisory: Accredited Bayad Center Services

Ipinapaalam po sa lahat ng Member Consumer Owners na simula ngayong November 10, 2023 ay maaari nang magbayad sa ilang CANORECO Accredited Bayad Centers ng “Amount After Due” ng Current Bill isang (1) araw matapos itong malipasan ng “Due Date”. Naka-post sa FB Page “Canoreco” ang listahan ng nasabing Bayad Centers.
Maaari na rin pong magbayad sa kanila ng Reconnection Fee ng Current Bill na na-Disconnect. Sila na ang magpapadala sa CANORECO ng impormasyon ng mga nagbayad ng Reconnection Fee at mga kailangang mai-Reconnect. May kaunting Service Charge lang na babayaran sa Bayad Center.
Bukod dito, maaari na rin pong magpa-print ng Electrical Inspection Report/Application Form sa nasabing Bayad Centers para sa mga mag-aaplay ng Electrical Connection. Kailangan lang mag-Online Pre Membership Seminar at sumagot sa Online Application Form sa www.canoreco.com.ph.
Dalhin po sa Bayad Center ang matatanggap na EMail ng Seminar Certificate Number, CANORECO Electric Bill/Official Receipt ng kapitbahay at pambayad sa Inspection Fee. May kaunti lang ding Service Charge na babayaran sa Bayad Center.
Sa patuloy pong pagtangkilik sa CANORECO Accredited Bayad Centers, maraming salamat MCOs!
Ito ay Atin, Pangalagaan Natin!