Update: Ang natagpuang dahilan ng biglang pagkawala ng kuryente ay humapay na kawayan sa primary line sa may P-1, Gusican, Labo. Naibalik ang serbisyo ng kuryente 6:37 ng umaga.
CANORECO Advisory:
Ang nararanasang biglaang pagkawala ng kuryente ngayong November 25, 2023 mula 6:15 ng umaga sa Brgys. Anameam, Malibago, Malaya, Canapawan, Guisican, Cabatuhan, Tigbinan at Bayabas sa LABO; Villa Aurora, Villa Belen at San Antonio sa CAPALONGA at Bayan ng STA. ELENA ay dahil sa disturbance sa linya.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng pole to pole inspection upang mahanap at maisaayos ang sanhi ng power interruption at nang maibalik ang serbisyo ng kuryente.

