Ang nararanasang biglaang pagkawala ng kuryente ngayong December 20, 2023 mula 9:14PM sa Magnakron Oleo Philippines Inc; Bayan ng PARACALE maliban sa Brgys. Awitan, Bakal, Dancalan, Labnig, Mampungo, Mangkasay at Tabas; at Bayan ng JOSE PANGANIBAN maliban sa Brgys. San Martin, Tamisan, Sta. Cruz, San Pedro, San Isidro, Sta. Elena, San Jose, Dayhagan, Salvacion, Dahican at Nakalaya ay dahil sa naputol na overhead wire ng NGCP 69kV line sa may Brgy. Dalnac, Paracale.
Sa kasalukuyan ay inaayos na ang nasabing dahilan ng interruption upang maibalik agad ang serbisyo ng kuryente.

