CANORECO Advisories

CANORECO Advisory: PAUNAWA MULA SA CANORECO PARA SA MGA MCO

Sa ating Member-Consumer-Owners (MCOs), ayon sa ulat panahon ay may posibilidad na makaranas tayo ng malalakas na pag-ulan mula ngayong gabi, 24 Nobyembre, hanggang bukas ng hapon, 25 Nobyembre, dulot ng mga rain bands ng Tropical Depression Verbena. Dahil sa inaasahang lagay ng panahon, nais ipabatid ng ating Kooperatiba na maaaring magkaroon ng pansamantalang pag-shut-off ng kuryente lalo na sa mga lugar na itinuturing na high-risk upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, kabilang ang ating mga Line Workers. Maaari ring makaranas ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente nang dahil sa mga hindi inaasahang kadahilanan na dulot ng masamang panahon.
Hinihiling natin sa lahat ng MCOs na mag-ingat sa paggamit ng kuryente habang masama ang panahon. Iwasan ang paggamit ng mga saksakan at appliances kung basa ang paligid. Kung makakakita ng sirang poste o nakabagsak na kawad ng kuryente, huwag lalapit at agad ipagbigay-alam sa pamamagitan ng pavtawag sa ating hotline numbers. Makabubuting maghanda rin para sa posibleng pagkawala ng kuryente sa inyong lugar sa pamamagitan ng pag-charge ng mahahalagang gadgets at paghahanda ng alternative light sources. Patuloy rin na mag-monitor ng mga ulat mula sa DOST- PAGASA at ng inyong lokal na barangay para sa iba pang weather advisories.
Tinitiyak ng CANORECO na ang ating Line Workers ay naka-alerto at handang rumesponde sa anumang insidente. Patuloy nating binabantayan ang kondisyon ng ating mga linya at handang magsagawa ng preventive shut-off kung kinakailangan. Ang kaligtasan ninyo at ng ating personnel ang ating pangunahing layunin.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na pakikipagtulungan sa ating Kooperatiba.