Ipinapabatid po sa lahat ng Member-Consumer-Owners sa Labo, Capalonga at Sta. Elena na magsasagawa ng HULING Pre Membership Seminar o PMS sa CANORECO Labo Area II Office, Brgy. San Francisco, Labo sa November 16, 2023 mula 9:00 hanggang 11:00 ng umaga para sa mga nagnanais mag-aplay ng electrical connection at magpa-change name.
Ito ay dahil sinimulan na ng CANORECO ang paggamit ng online na pagsasagawa ng PMS. Maaari nang makapag-PMS kahit anong araw o oras na convenient sa aplikante basta meron lamang cellphone/tablet/computer, internet connection at email address.
Gayunpaman, mayroon pa ring face-to-face PMS sa CANORECO Area I Office, Brgy. 1, Daet tuwing Biyernes sa ganap na alas-9 ng umaga.
Ito ay Atin, Pangalagaan Natin!

