Ilang larawan sa naging aktibidad ng ating mga lineman mula sa Area 2 Office kahapon, 28 May 2025 (Miyerkules), sa Barangay Del Pilar sa bayan ng Capalonga kung saan sila ay nag-pull-out ng wooden poles at nag-install ng steel pole. Nagsagawa rin sila ng Pole Metering sa parehong lugar.
Tuloy-tuloy ang hatid na serbisyo ng ating mga lineman sa iba’t ibang bahagi ng ating lalawigan 24/7, umaraw man o umulan, upang masigurong may maayos na suplay ng kuryente ang bawat tahanan at negosyo ng ating mga ka-MCO!