Ka-MCOs! Narito naman ang iba’t ibang aktibidad ng ating Operation & Maintenance Team ng Area I Office kung saan sila ay nagsagawa ng rerouting ng service drop at kWh meters, nag-uprate ng transformer na from 37.5kVa to 50kVa, at paglalagay ng isang 35 footer steel pole sa mga bayan ng Basud at San Lorenzo Ruiz noong 05 July 2023 (Miyerkules). Nag-alis rin sila unused pin pole sa isang poste na nagko-cause ng power interruption kapag may ibon na dumarapo roon.
Alam mo ba, dahil sa ang ating probinsya ay mayaman sa mga puno, may mga pagkakatoon na dumarapo ang mga ibon, paniki, o umaakyat na ahas sa ating mga poste at linya ng kuryente. Minsan, ito ay nagdudulot ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente.
Gayunpaman, agad naman itong ina-aksyonan ng ating mga linemen ka-MCO upang maibalik ang sebisyo ng kuryente sa naapektuhang lugar.

