Ang iba’t ibang mga naging aktibidad ng Operation & Maintenance Team ng Area I Office noong 09 July 2023 (Linggo) sa iba’t ibang mga Barangay ng Daet at sa bayan ng Mercedes.
Nagsagawa sila ng paglalagay at pagpapalit ng mga transformers at mga poste, pole metering, at iba pang maintenance works upang mapanatiling may maayos na suplay ng kuryente sa mga nasabing lugar. Para patuloy niyong masubaybayan ang mga paborito niyong TV shows!
Ka-MCO, salamat sa patuloy ninyong suporta sa ating Kooperatiba! Patuloy naming pagbubutihin ang serbisyo para sa inyo.


