Maraming, maraming salamat po sa lahat ng Member Consumer Owners (MCOs) ng ating kooperatiba na nakasaglit sa ating “MCO Community Pantry” na ginanap sa CANORECO Talisay Main Office ngayong araw, October 15, 2021.
Ang aktibidad pong ito ay bahagi ng selebrasyon ngayong buwan na “National Cooperative Month” na may temang “Kooperatibang Matatag: Tumutugon sa mga Hamon, Daan sa Pagbangon, Nagbibigay Pag-asa sa Makabagong Panahon.”
Nawa’y makatulong po sa ating mga MCO ang mga prutas, gulay, pang-sahog, de lata, itlog, pansit at bigas na ipinamahagi ng pamunuan at ng ating mga kasamahan sa kooperatiba kaninang umaga.
Lahat po ng ito #ParaSaMemberConsumerOwners, #ParaSaOneECMCOMovement.
#2021NationalCooperativeMonth
#MCOPantry
#CommunityPantry
#1ECMCOMovement





