Uncategorized

CANORECO Talisay Tellering Ad #1

Para pa rin po sa kaligtasan ng mga Member Consumer Owners ng CANORECO lalo na ngayong panahon ng pandemya, inilabas na ang CANORECO Talisay Tellering at inilagay sa harap ng CANORECO Talisay Main Office, Hotel Mega Star Bldg., Brgy. Itomang, Talisay.

Bukas po ito mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi para tumanggap ng inyong bayad.

Dalhin lamang po ang billing statement o statement of account para sa mabilis na pagbabayad.

Huwag po kalimutan ang pagsusuot ng facemask at faceshield, paghuhugas ng kamay, pagkuha ng temperatura, at pagsulat ng pangalan at iba pang impormasyon sa logbook.

#CANORECOTalisayTellering
#ParaSaMemberConsumerOwners
#ParaSaOneECMCOMovement