Nagsagawa ang CANORECO ng Orientation para sa mga Barangay Member Consumer Owner Officers (Barangay MCO Officers) ng bawat distrito o munisipalidad ng Camarines Norte.
Ginawa ang orientation sa mga Barangay MCOs ng distrito ng Capalonga noong March 17, 2022 mula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon sa Capalonga Sports Complex.
Dinaluhan ito nina Area 2 Manager Engr. Arlan Gutierrez; Member Services Officer-In-Charge Melissa Abogado; at ng Barangay MCO Officers at District MCO Officers sa pangunguna ni Kagawad Jesus Abanes.



