Isinagawa ang Energization ng P-1 at P-6, San Isidro, Daet noong Pebrero 14, 2020 (Biyernes) sa Brgy. San Isidro covered court. Ito ay isa sa mga proyekto ng National Electrification Administration (NEA) para sa kanilang Sitio Electrification Program partikular ang extension of lines at libreng housewiring installation. Tatlompu’t dalawa (32) na kabahayan ang nabiyayaan bilang beneficiaries na nabigyan ng tatlumpung metro na service drop, isang saksakan, at dalawang ilaw kasama na ang kuntador bawat isang beneficiary.
Dinaluhan ang nasabing okasyon ni Daet South/San Lorenzo Ruiz Director Socrates J. Fuentebella, mga opisyales ng Barangay San Isidro sa pangunguna ni Kapitan Samuel L. Zaldua at mga kawani ng CANORECO sa pangunguna ni OIC-Chief, Membership Services Division, Rhea Aivee Peñalosa.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.

