Isinagawa ang Energization ng Magang Resettlement sa Purok 3, Magang, Daet noong Oktubre 15, 2019. Ito ay isa sa mga proyekto ng National Electrification Administration (NEA) para sa kanilang Sitio Electrification Program partikular ang extension of lines at libreng housewiring installation. Animnaputโapat na kabahayan ang nabiyayaan bilang beneficiaries na nabigyan ng tatlumpung metro na service drop, isang saksakan, at dalawang ilaw kasama na ang kuntador.
Dinaluhan ang nasabing okasyon ng mga opisyales ng LGU- Daet sa pangunguna ni Vice-Mayor Rosa Mia L. King, Municipal Administrator ng Daet na si Joan Tabernilla-De Luna, Board President Engr. Edwin H. Lamadrid, Director Socrates J. Fuentebella ng Daet South/San Lorenzo Ruiz, General Manager Zandro R. Gestiada, mga opisyales ng Barangay Magang sa pangunguna ni Kapitan Eduardo Asiao at mga kawani ng CANORECO sa pangunguna ni Engr. Arceli Etrata.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) Office sa cellphone nos. 09081865100 at 09560525608 at landline number 054-5713717.

