Maintenance Activities

CEREMONIAL TURN OVER NG 130 PIRASONG ARMCHAIRS NG APRI (ABOITIZ FOUNDATION) AT CANORECO, MATAGUMPAY NA NAIDAOS

Matagumpay na naisagawa ang Ceremonial Turn Over para sa ibinigay na arm chairs sa Labo Elem School sa bayan ng Labo at San Pedro Elem. School  sa bayan ng Sta. Elena noong Pebrero 26, 2020.  Sa pakikipagtulungan ng ABOITIZ Foundation at CANORECO ay nabiyayaan ng  tig anim napu’t (65) na upuan ang dalawang paaralang nabanggit. Ang nasabing proyekto ay parte ng Corporate Social Responsibility o CSR ng Aboitiz Foundation at CANORECO na ibinibigay para sa mga  nasasakupan ng lalawigan ng Camarines Norte. Pinangunahan ng nasabing okasyon ang representative ng CANORECO sa pangunguna ng Institutional Services Manager Mary Ann A. Moreno at ilang kawani nito. Kasama rin ang mga ABOITIZ representatives na sina Mr. Jeremiah Padilla , Mr. John Davis Mangubat at Ms. Jiselle Juabot. Dumalo naman sa Labo Elem. School ang Board of Director ng Labo Dir.  Nicanor B. Neri at representative ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council o  MSEAC na si Mr. Ben Namuro at ilang guro ng nasabing paaralan. Samantala, dumalo naman sa San Pedro Elem. School sa bayan ng Sta. Elena sina Board of Director Melchor D. Antigua kasama ang barangay council ng San Pedro, OIC ng nasabing paaralan na si G. Dionesio O. Marcial at mga guro ng nabanggit na paaralan. Ito ay malaking tulong para sa mga paaralan at estudyante  upang maging masigla ang kanilang pag aaral. Matatandaan na nagkaroon na ng ganitong mga proyekto ang kooperatiba noong mga nakaraang taon kabilang na ang instalasyon sa loob ng paaralan at medical mission. Ipagpapatuloy pa ng kooperatiba ang iba’t ibang programa na makakatulong para sa mga member consumer owner ng  CANORECO.