Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumisita sa CANORECO ang Department of Energy (DOE) Undersecretary na si Mr. Benito L. Ranque noong hapon ng March 12, 2021 (Biyernes).
Ito ay bahagi ng kanyang paglilibot sa mga Electric Cooperative (EC) sa buong bansa lalong lalo na sa Bicol Region na hinagupit ng sunod sunod na malalakas na bagyo noong November 2020 habang nakasailalim sa Community Quarantine/Lockdown na nagsimula pa noong March 17, 2020 hanggang sa kasalukuyan dahil sa patuloy pa ring paglaganap ng pandemyang COVID-19 sa buong bansa.
Dinaluhan ang pagbisitang ito ng CANORECO Board of Directors sa pangunguna ni Board President Engr. Edwin Lamadrid at ng mga empleyado ng kooperatiba sa pangunguna naman ni General Manager Zandro Gestiada.
Sa kanyang pagbisita, kinumusta ni USec Ranque ang kalagayan ng CANORECO sa ilalim ng halos isang taon nang Community Quarantine sa bansa. Kinumusta rin niya ang naging kalagayan ng kooperatiba matapos ang mga nagdaang bagyo noong November 2020.
Bilang sagot, iniulat ni GM Gestiada ang ilan sa mga aktibidad na ginawa ng CANORECO upang makayanan nito at ng mga Member Consumer Owner (MCO) nito ang mga hamon ng taong 2020, gaya ng mga sumusunod:
1. Extension of payments para sa February 2020 billings na inabutan ng Lockdown;
2. Four equal monthly installments at no penalties para sa March at April 2020 billings;
3. Pantawid Liwanag Program para sa mga Lifeline Consumer na itinalaga sa kooperatiba;
4. No Disconnection Policy para pa rin sa mga Lifeline Consumer na itinalaga sa kooperatiba; at
5. Estimated/averaged/adjusted billing para sa October at November 2020 billings.
Nagpapasalamat ang CANORECO sa DOE at kay DOE USec Ranque sa pagbisita at pagkumusta sa kalagayan ng CANORECO at ng mga MCO nito.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Institutional Services Department (ISD) sa cellphones no. 09081865100 at 09190952702, at landline no. 054-5713796.





