Sabay-sabay po tayong manalangin ngayong araw ng Biyernes para sa ating mga Electric Cooperatives, MCOs, at para sa bayan💡
Mahal naming Panginoon,
Sa bawat araw po na ibinibigay ninyo, kami po ay nagpapasalamat sapagkat hindi niyo kami pinababayaan. Ang pagmamahal ninyo ang siyang nagbibigay sa amin ng lakas at rason upang harapin at lampasan ang lahat ng bagay.
May mga pagkakataong mabigat po ang aming dinadala, pero alam po naming hindi niyo kami iniiwan sa lahat ng aming pinagdadaanan. Panginoon, kayo lamang po ang may alam at may kapangyarihan sa kung paano maitama ang mga mali, gawing mabuti ang mga bagay na hindi naaayon sa gusto niyo, at gawing makabuluhan ang mga bagay na hinaharap ng bawat isa sa amin ngayon.
Ngayon pong ginugunita namin ang Buwan ng mga Kooperatiba, dasal po naming palagi niyo po sanang bantayan at protektahan ang lahat ng mga manggagawa. Panginoon, alam niyo po ang mga magagandang hangarin namin, at sana po ay maging matagumpay po ang lahat ng aming mga plano sa mga taong pinaglilingkuran namin. Sana po ay parati namin ituon ang atensyon namin sa mga bagay na makakabuti para sa lahat. Ang paraan at daan ninyo ay nawa’y parating manaig.
Sana po ay pangalagaan at gabayan ninyo ang bawat kooperatiba na may magandang hangarin para sa bansa. Umaasa po kaming samahan ninyo parati ang bawat lider at manggagawa ng bawat kooperatibang may magandang intensyon para sa iba upang maging matagumpay ang bawat plano nila sa mas nakararami.
Gabayan at tulungan po ninyo ang bawat lider at manggagawa ng sektor ng Rural Electrification upang maging malakas, matatag, at mapagmahal sa tungkulin at aming adbokasiya. Hiling din namin na tulungan po ninyo ang mga lider ng bansa upang makagawa sila ng mga desisyong makakabuti para sa lahat. Ngayon pong maraming pagsubok ang bansa, sana po ay mabigyang halaga ng bawat lider ng bansa ang tunay na dahilan kung bakit sila nailagay sa kanilang mga posisyon.
Panginoon, lalo niyo pa po sanang gabayan ang lahat ng electric cooperatives na walang ibang hangad kundi ang magbigay ng serbisyong dekalidad para sa mga member-consumer-owners. Sana po ay mawakasan na ang mga pansariling kagustuhan na hindi magdadala ng magandang dulot sa mga MCOs at sa pamilyang Pilipino.
Patatagin at gabayan niyo po lalo ang BENECO at mga electric cooperatives sa Negros Island upang lampasan ang kahit anong hirap o pagsubok na kanilang pagdaraanan.
Patatagin po ninyo ang NORDECO na kasalukuyang nakararanas ng panggigipit mula sa mga malalaking korporasyon at maiimpluwensiyang tao sa lipunan na nagnanais kunin at sakupin ang pamamahala sa nasabing kooperatiba para sa mga makasariling layunin, pansariling kitang-pinansyal, at mga layuning hindi makabubuti sa aming mga member-consumer-owners. Bigyan mo po ng kalinawan ng pag-iisip ang mga kontra-kooperatibang grupo na ito, kasama na ang mga member-consumer-owners na pilit nilang pinapaniwala sa mga maling impormasyon.
Hinihingi din namin ang inyong gabay para sa CASURECO III at lahat ng mga electric cooperatives namin sa Bicol lalo pa’t sila rin ay may kinahaharap na pagsubok. Huwag niyo po sanang hayaang makuha ng ibang korporasyon ang pagbibigay serbisyo sa aming mga MCOs sa Bicol sapagkat ang layunin nila ay taliwas sa ikabubuti ng lahat.
Amin rin pong itinataas sa inyo ang mga pagsubok na kinahaharap ng ILECO I, ILECO II, at ILECO III. Naway ito ay malampasan ng mga empleyado, lider, at pati na rin po ng mga MCOs.
Sana po ay haplusin ninyo ng inyong pagmamahal ang mga puso ng mga taong pansarili lamang ang tunay na hangad. Baguhin sana ninyo ang direksyon ng kanilang buhay upang makita nila ang pagmamahal ninyo sa kanila.
Lahat po ng kritisismo ay naway magbigay sa amin ng mas maayos na direksyon at magbigay samin ng lakas upang lalo pang maging matibay. Sa tulong ninyo, naway humina po ang mga pwersang hindi magreresulta sa kasaganaan at kaayusan ng mga MCOs at ng bayan.
Protektahan niyo po ang lahat ng electric cooperatives sa mga taong hindi maganda ang hangarin para sa iba. Inaangat namin ang lahat sa inyo at sana po ay patuloy niyo pong maipakita sa amin ang mahalagang tungkulin namin na gusto ninyo para sa amin.
Sa lahat ng ito Panginoon, patuloy naming itinataas sa inyo ang lahat ng aming takot at pangamba. Patuloy niyo po kaming gawing instrumento ng inyong kabutihan.
Amen.
#ECBlackFridayProtest
#HandsOffOurECsNoToTakeOver
#ECIndependenceWeWillNotBeSilenced
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforCASURECOIIIandAllECsinBicol
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInIloilo
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInNegrosIsland

