COOP Activities

#ECBlackFridayProtest Prayer #25

Kasabay ng patuloy na pag-tindig para sa ating mga Electric Cooperatives sa bansa, muli niyo po kaming samahan sa maikling panalangin na ito, hindi lang para sa ating mga Electric Cooperatives kundi para rin sa ating mga MCOs at para sa bayan✊🏻💡

Mahal naming Panginoon,

Kami po ay nagpapasalamat sa mga biyayang ibinibigay ninyo sa amin sa bawat araw. Batid naming pati ang mga problema at pagsubok ay may kasamang rason na dadalhin namin kahit saan man kami magpunta.

Kami po ay patuloy na humahanga sa katatagan na ibinibigay ninyo sa amin, sapagkat sa kabila po ng lahat ng aming pinagdaraanan, kami po ay patuloy pa ring lumalaban upang makamit ang aming mga hangarin para sa aming mga MCOs.
Patuloy po sanang magtiwala ang aming mga member consumer owners sa aming mga ginagawa at magsilbing ilaw po ito sa bawat direksyon na tatahakin namin. Panginoon, alam niyo po ang mga magagandang hangarin namin, at sana po ay maging matagumpay po ang lahat ng aming mga plano. Sana po ay parati namin ituon ang atensyon namin sa mga bagay na makakabuti para sa lahat. Ang paraan at daan ninyo ay nawa’y parating manaig.

Gabayan po ninyo ang mga manggagawa ng sektor ng rural electrification, at dalhin po ninyo sa magandang direksyon ang lahat ng aming ginagawa. Alam naming sa kabila po ng lahat ng mga pagsubok ay hindi ninyo kami iiwan at pababayaan.

Gabayan din po sana ninyo ang mga ahensya at sangay ng gobyerno na siyang kaagapay sana namin sa adbokasiya. Naway magkaroon sila ng kalinawan ng isip sa mga desisyon na kailangan nilang gawin. Sana po ay sa bawat galaw nila ay makita nila ang epekto nito sa iba. Sana po ay maging malinaw sa kanila ang epekto ng bawat galaw at desisyon nila at matanggal ang mga makasariling desisyon sa kanilang mga isipan.

Panginoon, lalo niyo pa po sanang gabayan ang lahat ng electric cooperatives na walang ibang hangad kundi ang magbigay ng serbisyong dekalidad para sa mga member-consumer-owners. Sana po ay mawakasan na ang mga pansariling kagustuhan na hindi magdadala ng magandang dulot sa mga MCOs at sa pamilyang Pilipino.

Patatagin at gabayan niyo po ang mga electric cooperatives upang lampasan ang kahit anong hirap o pagsubok na kanilang pagdaraanan. Bigyan niyo po sila ng malinaw na direksyon upang malampasan nila ang mga bagay na patuloy na sumusubok sa tatag ng kanilang paniniwala at pag-intindi sa mga rason ninyo.

Patatagin po sila na kasalukuyang nakararanas ng panggigipit mula sa mga malalaking korporasyon at maiimpluwensiyang tao sa lipunan na nagnanais kunin at sakupin ang pamamahala sa nasabing kooperatiba para sa mga makasariling layunin, pansariling kitang-pinansyal, at mga layuning hindi makabubuti sa aming mga member-consumer-owners. Bigyan mo po ng kalinawan ng pag-iisip ang mga kontra-kooperatibang grupo na ito, kasama na ang mga member-consumer-owners na pilit nilang pinapaniwala sa mga maling impormasyon.

Ang dasal namin ay maging matatag ang BENECO, PALECO, CASURECO III at ibang electric coop sa Bicol upang magkaroon sila ng lakas at tibay ng loob sa panahong ng pagsubok. Ipinagdadasal din po namin ang lahat ng mga electric coop sa Iloilo at Negros Island upang patuloy nilang maipaglaban ang kanilang serbisyo at patuloy itong magampanan para sa MCOs. Itinataas din namin ang lahat ng aming dasal para sa NORDECO; naway lahat po ng pagsubok at paghihirap ay maging rason upang makita din ng mga MCOs ang halaga ng bawat electric cooperative.

Sana po ay haplusin ninyo ng inyong pagmamahal ang mga puso ng mga taong pansarili lamang ang tunay na hangad. Baguhin sana ninyo ang direksyon ng kanilang buhay upang makita nila ang pagmamahal ninyo sa kanila.

Kami po ay naghahangad na patuloy niyo kaming gawing matatag sa lahat ng pagsubok at problema. Kami po ay bigyan niyo ng malinaw na kaisipan at matibay na kalooban upang malampasan ang lahat ng bagay. Naway sa kabila po ng lahat ng ito ay hindi naman malimutan ang mga rason at plano ninyo para sa amin.

Amen.

#HandsOffOurECsNoToTakeOver
#ECIndependenceWeWillNotBeSilenced
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforPALECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforCASURECOIIIandAllECsinBicol
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInIloilo
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInNegrosIsland
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO