COOP Activities

#ECBlackFridayProtest Prayer #4

Ngayong araw ng Biyernes ay muli po ninyo kaming samahan sa isang maikling panalangin para sa ating movement, ating mga kooperatiba, at sa ating adbokasiya 💡

Mahal naming Ama sa langit, naging makabuluhan po ang pagpapakita namin ng pagkakaisa nitong mga nakaraang linggo, at nagpapasalamat po kami dahil alam naming hindi namin kakayanin ang lahat kung wala ang gabay at ilaw ninyo.💡
Sa panahon pong matindi ang pagsubok, hindi kayo nagkulang sa pagbibigay sa amin ng lakas at tibay ng loob.Sa pagtatapos ng unang yugto ng taong ito, hiling po namin na patuloy po ninyong iparamdam sa amin ang inyong pang-unawa at paggabay sa amin.💡

Sa pagtanggap at pagsalubong namin sa susunod na yugto ng taong ito, sana po ay mabigyan niyo po kami ng sapat na lakas upang harapin ang mga panibagong pagsubok na makakaharap namin. Manatili po sana sa amin ang pagkakaisa at pag-unawa sa mas malaki ninyong plano para sa aming lahat.💡

Patuloy po ninyong bigyang gabay ang lahat ng lider at manggagawa ng sektor ng Rural Electrification upang maging malakas, matatag, at mapagmahal sa tungkulin at aming adbokasiya.💡

Patuloy niyo po sanang gabayan ang lahat ng electric cooperatives na walang ibang hangad kundi ang magbigay ng serbisyong dekalidad para sa mga member-consumer-owners.💡

Patatagin at gabayan niyo po lalo ang BENECO at mga electric cooperatives sa Negros Island upang lampasan ang kahit anong hirap o pagsubok na kanilang pagdaraanan.💡

Ang mga kasamahan namin sa NORDECO ay kasalukuyang nakararanas ng panggigipit mula sa mga malalaking korporasyon at maiimpluwensiyang tao sa lipunan na nagnanais kunin at sakupin ang pamamahala sa nasabing kooperatiba para sa mga makasariling layunin, pansariling kitang-pinansyal, at mga layuning hindi makabubuti sa aming mga member-consumer-owners. Bigyan mo po ng kalinawan ng pag-iisip ang mga kontra-kooperatibang grupo na ito, kasama na ang mga member-consumer-owners na pilit nilang pinapaniwala sa mga maling impormasyon.💡

Naway lahat po ng aming hangarin ay umayon sa inyong kagustuhan. Ilagay niyo po ang lahat ng bagay sa tama, at tulungan niyo po kami na patuloy na tatahak sa daang hangad ninyo para sa amin.💡

Inaalay po namin ang lahat sa inyo, Panginoon. Kami po ay patuloy ninyong gawing instrumento ng kapayapaan, kasaganaan, at kabutihan.💡

Amen.💡

#ECBlackFridayProtest
#HandsOffOurECsNoToTakeOver
#ECIndependenceWeWillNotBeSilenced
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforAllECsInNegrosIsland