COOP Activities

#ECBlackFridayProtest Prayer #5

Isang maikling panalangin para ngayong araw ng Biyernes 💡

Mahal Naming Ama sa Langit,

Maraming salamat po sa lahat ng tulong at gabay ninyo sa mga nakaraang linggo at buwan. Sa bagong buwan at bagong yugto ng taong ito, hiling po namin na patuloy ninyo kaming bigyan ng lakas upang harapin at tanggapin ang lahat ng pagsubok na makakaharap namin.

Sa panahong ang sektor ng Rural Electrification ay maraming kinakaharap na isyu at problema, patuloy po namin kayong sasandalan sa kahit na anong sitwasyon. Patuloy po kaming mananalig at magtitiwala sa inyo, at patuloy kaming hihingi ng tibay ng loob upang lampasan ang lahat.

Alam naming kayo lamang po ang magsisilbing ilaw at kalinawan sa lahat ng bagay, at hindi kami tataliwas sa direksyon na gusto ninyo para sa amin.

Patuloy po ninyong bigyang gabay ang lahat ng lider at manggagawa ng sektor ng Rural Electrification upang maging malakas, matatag, at mapagmahal sa tungkulin at aming adbokasiya. Hiling din namin na tulungan po ninyo ang mga lider ng bansa upang makagawa sila ng mga desisyong makakabuti para sa lahat.

Panginoon, lalo niyo pa po sanang gabayan ang lahat ng electric cooperatives na walang ibang hangad kundi ang magbigay ng serbisyong dekalidad para sa mga member-consumer-owners.

Patatagin at gabayan niyo po lalo ang BENECO at mga electric cooperatives sa Negros Island upang lampasan ang kahit anong hirap o pagsubok na kanilang pagdaraanan.

Patatagin po ninyo ang NORDECO na kasalukuyang nakararanas ng panggigipit mula sa mga malalaking korporasyon at maiimpluwensiyang tao sa lipunan na nagnanais kunin at sakupin ang pamamahala sa nasabing kooperatiba para sa mga makasariling layunin, pansariling kitang-pinansyal, at mga layuning hindi makabubuti sa aming mga member-consumer-owners.

Bigyan mo po ng kalinawan ng pag-iisip ang mga kontra-kooperatibang grupo na ito, kasama na ang mga member-consumer-owners na pilit nilang pinapaniwala sa mga maling impormasyon.

Naway lahat po ng aming hangarin ay umayon sa inyong kagustuhan. Ilagay niyo po ang lahat ng bagay sa tama, at tulungan niyo po kami na patuloy na tatahak sa daang hangad ninyo para sa amin. Ang mga susunod na gagawin naming hakbang ay inaalay po namin sa inyo.

Amen.

#ECBlackFridayProtest
#HandsOffOurECsNoToTakeOver #ECIndependenceWeWillNotBeSilenced #UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO #UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO #UnitedWeStandWestandUnitedforAllECsInNegrosIsland