Muli po ninyo kaming samahan sa maikling panalangin na ito para sa ating mga Electric Cooperatives, member-consumer-owners, at para sa bayan💡
Mahal na Panginoon,
Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob ninyo sa amin. Naging makabuluhan po ang pagpapakita namin ng pagkakaisa nitong mga nakaraang buwan, at nagpapasalamat po kami dahil alam naming hindi namin kakayanin ang lahat kung wala ang gabay at ilaw ninyo. Sa panahon pong matindi ang pagsubok, hindi kayo nagkulang sa pagbibigay sa amin ng lakas at tibay ng loob.
Sa mga nagdaang linggo at buwan, hindi po naging madali ang lahat sapagkat ang mga hamon ay patuloy na dumarating at patuloy na dumarami.
Inaangat po namin lahat sa inyo, sapagkat alam naming Kayo lamang ang may kapangyarihang mailagay sa kaayusan ang lahat ng bagay.
Kayo lamang po ang nakakaalam ng mga paraan at daan para sa ikabubuti ng bawat isa, kaya po sa inyo namin ibinibigay ang lahat ng tiwala at pananalig.
Gabayan po ninyo ang bawat lider at manggagawa ng sektor ng Rural Electrification upang maging malakas, matatag, at mapagmahal sa tungkulin at aming adbokasiya.
Hiling din namin na tulungan po ninyo ang mga lider ng bansa upang makagawa sila ng mga desisyong makakabuti para sa lahat.
Ngayon pong maraming pagsubok ang bansa, sana po ay mabigyang halaga ng bawat lider ng bansa ang tunay na dahilan kung bakit sila nailagay sa kanilang mga posisyon.
Panginoon, lalo niyo pa po sanang gabayan ang lahat ng electric cooperatives na walang ibang hangad kundi ang magbigay ng serbisyong dekalidad para sa mga member-consumer-owners.
Patatagin at gabayan niyo po lalo ang BENECO at mga electric cooperatives sa Negros Island upang lampasan ang kahit anong hirap o pagsubok na kanilang pagdaraanan.
Patatagin po ninyo ang NORDECO na kasalukuyang nakararanas ng panggigipit mula sa mga malalaking korporasyon at maiimpluwensiyang tao sa lipunan na nagnanais kunin at sakupin ang pamamahala sa nasabing kooperatiba para sa mga makasariling layunin, pansariling kitang-pinansyal, at mga layuning hindi makabubuti sa aming mga member-consumer-owners.
Bigyan mo po ng kalinawan ng pag-iisip ang mga kontra-kooperatibang grupo na ito, kasama na ang mga member-consumer-owners na pilit nilang pinapaniwala sa mga maling impormasyon.
Sa tulong ninyo, naway humina po ang mga pwersang hindi magreresulta sa kasaganaan at kaayusan ng mga MCOs at ng bayan.
Sa lahat ng ito Panginoon, patuloy naming itinataas sa inyo ang lahat na aming takot at pangamba.
Patuloy niyo po kaming gawing instrumento ng inyong kabutihan.
Amen.
#ECBlackFridayProtest
#HandsOffOurECsNoToTakeOver
#ECIndependenceWeWillNotBeSilenced
#UnitedWeStandWeStandUnitedforBENECO
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO
#UnitedWeStandWestandUnitedforAllECsInNegrosIsland

