Ipinapaalam po sa aming MCOs na, ayon sa ECPay, nagkaroon po ng emergency maintenance ang GCash noong March 21 2023 (12:59PM) hanggang March 24 2023 (11:00AM).
Kaya po sa mga nagbayad ng kanilang electric bills sa mga nasabing petsa at oras, maaaring hindi po na-process ang inyong transaction na magreresulta sa hindi pagkaka-post ng inyong payments.
Mangyari pong paki-check ang nareceive ninyong confirmations mula sa GCash upang malaman kung na-process ang inyong payments.
Sakali man pong hindi na-process, pakibayaran po agad ang inyong bills sa pinakamalapit nating opisina. Sakali pong mapuntahan ng ating Disconnectors, ipakita lamang po ang mga resibo ng binayarang February 2023 bills. Ito ay upang maiwasan ang pagkaputol ng serbisyo ng kuryente.
Maraming salamat po.

