Ang nararanasang emergency power service interruption ngayong araw, May 14, 2021 (Biyernes), na nagsimula ng 1:30 ng hapon hanggang sa kasalukuyan ay dahilan sa natumbang poste dahil sa pagsabit ng truck sa primary line sa may Bagong Silang 1 Labo.
Apektadong Lugar: Bayan ng Capalonga maliban sa San Antonio, Villa Aurora at Villa Belen; Bagong Silang 1, 2 at 3 sa bayan ng Labo; at San Martin, Jose Panganiban.
Sa kasalukuyan ay ginagawa na ng technical ang pagsasaayos sa linya.

