Emergency Power Service Interruptions

Emergency Power Service Interruption (05/29)

Ang naranasang EMERGENCY power service interruption ngayong araw, May 29, 2021 (Sabado), sa lalawigan ng Camarines Norte maliban sa mga bayan ng Paracale at Jose Panganiban na nagsimula ng 9:30 ng umaga ay dahil sa pag auto trip ng NGCP 69kv line sanhi ng pagputol ng punong kahoy ng contractor ng DPWH Road Widening Project na walang coordination sa CANORECO.

Tumama at sumabit sa linya ng 69kv sa Brgy. Talobatib, Labo ang parte ng pinutol na punong kahoy.

Naipablotter na sa pamahalaang barangay ng Talobatib ang nasabing insidente.


_______________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang nararanasang emergency power service interruption ngayong araw, May 29, 2021 (Sabado) sa lalawigan ng Camarines Norte maliban sa bayan ng Paracale at Jose Panganiban na nagsimula ng 9:30 ng umaga hanggang sa kasalukuyan ay dahilan sa sumabit na sanga ng punongkahoy sa 69Kv line sa Talobatib, Labo.

Inaaayos na ng technical team ang nasabing problema upang maibalik ang serbisyo ng kuryente
_______________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang nararanasang emergency power service interruption ngayong araw, May 29, 2021 (Sabado) sa lalawigan ng Camarines Norte maliban sa bayan ng Paracale at Jose Panganiban na nagsimula ng 9:30 ng umaga hanggang sa kasalukuyan ay dahilan sa pag auto trip ng NGCP 69Kv line.

Inaalam na ng technical team ang dahilan ng interruption upang maisaayos ang problema sa linya.