Emergency Power Service Interruptions

Emergency Power Service Interruption (08/24)

Update as of 10:28PM:

Naibalik na po ang serbisyo ng kuryente sa mga apektadong bayan at barangay bandang 10:06 ng gabi.
Muli, humihingi po kami ng paumanhin at pang-unawa mula sa aming mga MCOs sa nangyaring emergency power service interruption.
Gayundin, maraming salamat po sa mga Technical Personnel ng ating kooperatiba na nagtulong tulong upang maisaayos ang ating Malatap Substation.

Update as of 8:31PM:

On-going o patuloy pa rin po ang ginagawang pagsasaayos sa ating Malatap Substation na nagkaroon ng technical problems simula kaninang 12:13 ng tanghali, August 24, 2021 (Martes).
Apektadong Lugar: Mga bayan ng Capalonga at Sta. Elena; Southroad barangays ng Labo; at San Martin sa Jose Panganiban.
Sa atin pong mga Member Consumer Owners (MCOs) sa mga nasabing lugar, humihingi po kami ng paumanhin at pang-unawa.
Huwag po kayo mag-alala sapagkat sinisikap po ng ating mga Technical Personnel na maibalik ang serbisyo ng kuryente sa inyong mga lugar ngayong gabi.
Maraming salamat po.

Update as of 3:44PM:
Magkakaroon ng extension sa nakaschedule na power service interruption ngayong araw, August 24, 2021 (Martes), dahilan sa technical problem sa Malatap substation.
Apektadong lugar: Mga bayan ng Capalonga, Sta. Elena, Southroad barangays ng Labo at San Martin,Jose Panganiban
Kasalukuyan ng inaayos ng technical team ang sanhi ng interruption.

CANORECO Advisory:
Ang nararanasang emergency power service interruption ngayong araw, August 24, 2021 (Martes), na nagsimula ng 12:13 ng hapon ay dahilan sa technical problem sa Malatap substation.
Apektadong Lugar: Bayan ng Capalonga, Southroad barangays ng Labo at San Martin, Jose Panganiban.
Maibabalik ang serbisyo ng kuryente anumang oras matapos ang pagsasaayos sa nasabing substation.