Emergency Power Service Interruptions

Emergency Power Service Interruption (11/13)

UPDATE:

Naibalik na po ang serbisyo ng kuryente sa mga nabanggit na lugar 9:40 ng gabi.

Muli po humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang pamunuan ng ating kooperatiba sa mga Member Consumer Owners (MCOs) na naapektuhan ng mga nangyaring extended at emergency power service interruptions kaninang hapon at ngayong gabi. Maraming salamat po.

CANORECO Advisory:

Ang nararanasan pong power service interruption ngayong gabi, November 13, 2021, sa bahagi ng Bulhao, Bakiad, Cabusay, Sta. Cruz, Fundado at Awitan sa bayan ng LABO; Singi, Manlucugan, Aguit-it at Matango sa Vinzons; at Awitan, Dancalan, Mampungo, Tabas, Bakal at Mankasay sa Paracale ay dahil sa disturbance sa linya.
Kasalukuyan pong nagsasagawa ng pagsasaayos ang ating mga technical personnel.