Ang nangyaring emergency power service interruption kagabi, April 20, 2022 (Miyerkules) mula 10:50 ng gabi hanggang 11:07 ng gabi ay dahil sa pagsasayos ng naputol na jumper ng distribution transformer sa Crossing, Labo.
Apektadong Lugar : Bahagi ng sentro ng Labo, Anahaw, Bautista, Malasugui, Iberica, Guinacutan, Mabilo l, Mabilo ll, Lugui, San Antonio, Baay, Bayan-bayan, Benit, Matanlang, Bulhao, Cabusay, Bakiad, Sta Cruz, Fundado at Awitan sa bayan ng LABO; Awitan, Dancalan, Mampungo, Tabas, Mangkasay, at bahagi ng Labnig at Calaburnay sa PARACALE; at Matango, Manlucugan, Aguit-it at bahagi ng Singi sa bayan ng VINZONS.

