TINGNAN. Ang ating mga linemen-in-action kahapon, 01 December 2022 (Huwebes) sa P-1 Barangay Capacuan sa bayan ng Paracale kung saan bumangga ang isang closed van sa poste.
Nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente ang nasabing aksidente sa Barangay Batobalani sa bayan ng Paracale hanggang sa Barangay Santa Rosa Sur sa bayan ng Jose Panganiban bandang 10AM.
Pinalitan naman ng ating team ang nasirang poste at transformer at naibalik ang suplay ng kuryente bandang 3PM. Nasa mabuting kalagayan naman ang mga sakay ng naaksidenteng closed van.