UPDATE:
Naibalik ang serbisyo ng kuryente 10:07 ng umaga matapos maiayos ang pumutok na disconnecting cutout sa Brgy. Parang dulot ng pagsabit ng isang malaking ibon sa primary line sa Brgy. Calero, Jose Panganiban.
CANORECO Advisory:
Ang nararanasang emergency power interruption ngayon, March 26, 2022, na nagsimula ng 9:51 ng umaga hanggang sa kasalukuyan sa bayan ng JOSE PANGANIBAN maliban sa Brgys. San Martin, Tamisan, Sta. Rosa Sur at bahagi ng Luklukan Sur ay dahil sa disturbance sa linya. Sa kasalukuyan ay nagtatrace na ang technical team para matukoy at maayos ang sanhi ng interruption.

