TINGNAN. Ang dahilan ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente ngayong araw, November 16, 2022 bandang 1:26 p.m. hanggang 2:09 p.m. sa bayan ng Paracale at Jose Panganiban.
Naputol ang jumper ng linya sa P-1, Barangay Batobalani sa Paracale kaya nawalan ng suplay ng kuryente ang barangay Batobalani, Capacuan, Dagang, Malacbang, Pinagbirayan Malaki, Pinagbirayan Munti, Calaburnay, Gumaus, at bahagi ng Tawig sa bayan ng Paracale.
Gayundin naman, nawalan rin ng suplay ng kuryente ang Barangay Santa Rosa Sur at bahagi ng Luklukan Sur sa bayan ng Jose Panganiban.
Nagsagawa agad ng pagsasaayos ang ating maintenance team sa nabanggit na linya at naibalik na ang serbisyo ng kuryente sa mga nasabing mga lugar.