COOP Activities

Energization – Purok 3, Brgy. Cabanbanan, San Vicente

Ine-energize na ng CANORECO ang mga mga Sitio/Purok na beneficiaries ng Sitio Electrification Program (SEP) 2020 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ay programa ng National Government na ipinatutupad ng National Electrification Administration (NEA) at ng 121 Electric Cooperatives (ECs) na layuning mapailawan ang lahat ng sulok ng buong bansa.

Noong nakaraang November 12, 2021 (Biyernes), na-energize na ang linya ng mga beneficiaries sa Purok 3, Brgy. Cabanbanan, San Vicente.

Dinaluhan ang Energization Ceremony nina CANORECO Director Bartolome Armin Nieva ng distrito ng San Vicente-Talisay; Sangguniang Bayan Councilor Jojo Girado ng bayan ng San Vicente; Barangay Captain Cheryl Benitez at ng iba pang officials ng Brgy. Cabanbanan; at ng mga beneficiaries ng SEP sa nasabing purok.

Ipinakilala rin sa mga bagong MCOs ang Station Lineman na naka-assign sa kanilang bayan.

#ParaSaMemberConsumerOwners
#ParaSaOneECMCOMovement