COOP Activities

Financial Literacy Seminar

TINGNAN. Nagaganap ang isang Financial Literacy Seminar para sa ikalawang batch ng mga empleyado ng CANORECO nitong November 18, 2022 (Biyernes). Ang nasabing seminar ay sa pangunguna ng Human Resource & Administration Division (HRAD) ng Institutional Services Department (ISD). Hinuhubog sa seminar na ito ang malawak na kaalaman sa pag-manage ng pinansyal na aspeto sa buhay ng isang tao.
Isa lang din ito sa mga programa ng ating Kooperatiba upang mas mapaunlad pa ang kasanayan ng ating mga empleyado, hindi lamang sa loob ng opisina kundi pati na rin sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Naging resource speaker para sa nagaganap na seminar si Mr. Marlon T. Echano na isang financial literacy advocate.