Bahagyang bumaba ang billing rates na babayaran para sa July 2021 billing. Ang residential rate ay Php10.5165 per kWh na lamang kumpara sa Php10.6891 per kWh noong nakaraang June 2021 billing. Ang low voltage rate ay Php9.5629 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.1073 per kWh. Nagkaroon ng pagbaba na nasa Php0.1726 per kWh.
Ang bahagyang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge ng Php0.0079 per kWh bilang resulta ng bahagyang pagtaas ng average supply margin sa 12% (252MW) kumpara sa nakaraang buwan. Dahil ito sa pagsisimula ng panahon ng tag-ulan kung saan bumababa ang average demand sa kuryente.
Ang Generation Charge ay nagbabago buwan buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.
Bumaba rin ang Transmission Charge ng Php0.1552 per kWh dahil sa mas mababang average transmission rate sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP); ang System Loss ng Php 0.0204 per kWh; at ang Lifeline Subsidy ng Php0.0001 per kWh.
Samantala, tumaas naman ang GRAM/ICERA at VAT Charges ng Php0.0109 per kWh.
Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECO buwan-buwan sa mga power supplier gaya ng Aboitiz Power Renewables Inc. (APRI) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM), sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/ agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Corporate Services Department (CSD) sa cellphone nos. 09081865100 at 09190952707, at landline no. 054-5713796.

