Kasalukuyang nagsasagawa ang CANORECO ng Orientation para sa mga Barangay Member Consumer Owner Officers (Barangay MCO Officers) ng bawat distrito o munisipalidad ng Camarines Norte.
Ginawa ang orientation sa mga Barangay MCOs ng distrito ng Labo noong March 14, 2022 mula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon sa Labo Sports Complex.
Dinaluhan ito nina CANORECO Board Vice President at Director Nicanor Neri for Labo; Area 2 Manager Engr. Arlan Gutierrez; Member Services Officer-In-Charge Melissa Abogado; at ng Barangay MCO Officers at District MCO Officers.


