Maintenance Activities

Maintenance Activities by TSD Part 3 – July 3, 2021

Nakapagsagawa rin ng correction of hotspot ang mga CANORECO technical personnel sa Malatap Substation kaninang 11AM, July 3, 2021, na hindi alintana ang buhos ng ulan at sama ng panahon upang mapanatili rin ang maayos na pag-andar ng nasabing substation na nagsusuplay ng kuryente sa buong bayan ng STA. ELENA at CAPALONGA; Brgy. Anameam, Bagong Silang 1, 2, 3, Bayabas, Cabatuhan, Canapawan, Guisican, Malatap, Malaya, Malibago at Tigbinan sa LABO; at San Martin sa JOSE PANGANIBAN.