Maintenance Activities

Maintenance Work – December 7, 2022

TINGNAN. Ang ating mga linemen-in-action noong December 07 (Miyerkules) sa Sitio Bliss, P-6, Barangay Itok sa bayan ng Capalonga na kung saan ay sila ay nagpalit ng dalawang bulok na poste at nagsagawa ng pole metering sa pamamagitan ng team ni Foreman Yarte.
Tuloy-tuloy po ang pagtatrabaho ng ating mga linemen sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng ating kuryente.
Salamat po sa ating mga linemen at maraming salamat po sa ating mga MCOs sa patuloy ninyong unawa at suporta!