Emergency Power Service Interruptions

Maintenance Activities – November 12, 2022

TINGNAN. Ang dahilan ng pagkawala ng serbisyo ng kuryente bandang 8:50 hanggang bandang 9:40 noong November 12, 2022 ng gabi sa bayan ng Vinzons.
Agad namang rumesponde ang ating mga linemen sa nasabing bayan matapos makatanggap ng report ukol sa nasabing pagkawala ng suplay ng kuryente.
Nag-trace at hinanap ng ating mga rumesponde na linemen ang naging problema sa linya at natagpuan nila ang defective na tapping point ng linya natin na papuntang Singi, Napilihan, Guinacutan, Minaogan, at Poblacion 1.
Pinalitan na ang nasabing fuse cut out assembly at naibalik ang serbisyo ng kuryente sa nasabing bayan.
Kung may ulat kayo ukol sa serbisyo ng kuryente sa inyong lugar, tumawag lang po sa ating sa mga numero na nakalagay sa baba.